Due to a phreatogmatic eruption on MARCH 26 AT 0722H, the Philippine Institute of Volcanology and Seismology raised the status of Taal Volcano to level 3.
According to the Philvolcs, a small phreatogmatic burst occurred in the Taal volcano's Main Crater, followed by a continuous phreatogmatic burst that produced a 1500-meter-high plume that generated volcanic earth quake and infra sound signals.
Phreatomagmatic eruptions are volcanic eruptions that occur when magma and water mix (Wikipedia.org)
"TAAL VOLCANO BULLETIN (UPDATE)Ika-26 ng Marso 2022Alas-8 ng umagaPinababatid sa lahat ang pagtaas ng alerto ng Bulkang Taal mula sa Alert Level 2 (pagtaas ng aktibidad) patungong Alert Level 3 (magmatic unrest). Kaninang ika-7:22 ng umaga, nagkaroon ng panandaliang phreatomagmatic burst sa Taal Volcano Main Crater na nasundan ng halos tuloy-tuloy na phreatomagmatic na pagputok na lumikha ng plume na may taas na isang libo’t limang daang (1500) metro na may kasamang volcanic earthquake at infrasound signals.Sa kasalukuyan, itinataas ng DOST-PHIVOLCS ang alert status ng Bulkang Taal mula sa Alert Level 2 (pagtaas ng aktibidad) patungong Alert Level 3 (magmatic unrest). Sa kalagayang ito, ang magma na nanunuot sa ilalim ng Main Crater ay maaaring magdulot ng karagdagan o malakas na pagputok. Mariing iminumungkahi ng DOST-PHIVOLCS sa lahat na lumikas mula sa Taal Volcano Island o TVI at mga high-risk barangays ng Bilibinwang at Banyaga, Agoncillo at Boso-boso, Gulod at silangang bahagi ng Bugaan East, Laurel, Batangas dahil sa panganib ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami kung sakaling magkaroon ng malakas na pagputok. Maigting na pinaaalalahanan ang lahat na ang buong TVI ay isang Permanent Danger Zone (PDZ) at ang pagpasok dito at sa mga high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel ay dapat ipagbawal. Lahat ng mga aktibidad sa Taal Lake ay dapat ipagbabawal sa ngayon. Hinihikayat ang mga residente sa paligid ng Taal Lake na maging mapagmatyag at mag-ingat dahil sa posibleng ashfall at vog at maging laging handa sa posibleng evacuation kung sakaling ang aktibidad ng Taal ay lumala. Ang mga may-katungkulan sa civil aviation ay nararapat na humikayat sa mga piloto na iwasang magpalipad malapit sa bulkan dahil sa naglilipanang abo, umiitsang bato, at pyroclastic density currents tulad ng base surge na maaaring makaapekto sa aircraft na idudulot ng posibleng biglaang pagputok ng bulkan. Ang DOST-PHIVOLCS ay masusing nagbabantay sa kalagayan ng Bulkang Taal 24/7 at handang agarang ipabatid ang anumang pagbabago nito sa lahat ng kinauukulan.DOST-PHIVOLCS"
Source: https://www.phivolcs.dost.gov.ph/index.php/volcano-hazard/volcano-bulletin2/taal-volcano/14325-taal-volcano-bulletin-update-26-march-2022-8-00-am
No comments:
Post a Comment